Legaspi City – Pumalo ng apat na gintong medalya si Nathaniel Balajadia ng Western Visayas sa Elementary Boys Arnis upang tanghaling na siyang may pinakamaraming napanalunang gintong medalya sa ginaganap na 2016 Albay Palarong Pambansa, sa Divine Word High School Gymnasium.

Nagawang magwagi ng 16-anyos na estudyante sa Graciano Lopez Jaena Elementary School student sa Anyo Event Individual Single Weapon sa iskor na 67.25 puntos upang isukbit ang kanyang ikatlong sunod na pagwawagi sa kategorya.

Sumunod nitong tinulungan ang koponan sa Anyo Event Team - Double Identical Weapon kasama sina Allen Karl Garrino at Jeremy Joseph Tanedo sa pag-iskor ng 58.00 at 68.50 para sa kanyang ikalawang ginto.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagbalik ito sa kanyang ikatlong event sa Anyo Event Team Solo Baston kasama muli sina Garrino at Tanedo sa pagtatala ng 68.25 puntos bago idinagdag ang Anyo Event Individual Double Weapon sa itinala nitong 67 puntos.

(Angie Oredo)