Ritz Azul (Solo 2) (1) copy copy

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin kamakailan na sa GMA-7 posibleng lumipat si Ritz Azul, ayon mismo sa taga-TV5

Binalikan namin ang taong nagsabi at ang ikinatwiran sa amin, “Eh, kasi akala ko natuloy siya sa GMA kasi may offer din, akala ko naman tinanggap na kasi ‘yun din ang sabi sa akin.”

Nasulat din namin na nakita namin si Ritz at ang daddy niya na may ka-meeting na talent coordinator sa Grub restaurant ng ABS-CBN at binati’t nilapitan siya ng isang TV executive.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Eh, kasi nga that time po, may kausap din siya sa GMA,” diin sa amin.

Anyway, napakaraming natutuwa na napunta na sa ABS-CBN si Ritz. Ganito talaga kapag mabait at deserving ang artista sa big break. Inamin maging ng dalaga na napakasaya niya dahil finally ay isa na siya sa mga alaga ng Star Magic, na matagal na pala niyang pangarap.

Ilang beses naming na-interview at nakakausap nang solo si Ritz sa mga presscon ng TV5 at alam naming sincere siyang tao. Pawang positibo maging ang mga naririnig naming papuri sa kanya ng production people ng TV5, wala silang problema sa aktres dahil sobrang bait at propesyunal at higit sa lahat sumusunod at wala talagang negative vibes sa katawan.

Nababanggit din ng production na mabait ding kausap ang ama ni Ritz na kasama niya rito sa Maynila para suportahan siya sa kanyang career.

Samantala, pasok na sa FPJ’s Ang Probinsyano si Ritz as special guest tulad nina Anne Curtis Smith, Ronaldo Valdez, Gina Pareño, Richard Yap at iba pa.

Marahil ay magsisilbing testing ground muna kay Ritz ang aksiyon-serye at kung maganda naman ang performance niya ay tiyak mahaba ang exposure niya o kaya ay siya na ang kapalit ni Carmen (Bela Padilla) sa buhay ni Joaquin (Arjo Atayde).

As press time ay hindi pa naglalabas ng details ang Dreamscape Entertainment kung ano ang role ni Ritz sa Ang Probinsyano.

“Dini-develop pa lang po, Ms. Reggee, pero base sa pagkakaalam ko, may twist ang istorya ni Ritz,” sabi sa amin ng taga-Dos.

Hmmm, mukhang mapapalaban si Ritz sa aktingan kina Coco Martin, Arjo at Maja Salvador, isama mo pa sina Albert Martinez, Agot Isidro, at Ms. Susan Roces.

Sana makamit ni Ritz ang matagal na niyang pangarap na sumikat para maiahon ang pamilya sa hirap at maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. (REGGEE BONOAN)