TARLAC CITY – Isang ginang ang hinoldap ng mismong driver at konduktor ng sinakyan niyang pampasaherong jeepney sa highway ng Sitio Maligaya, Barangay Maliwalo, Tarlac City.

Ayon kay PO2 Julius Apolonio, natangay ang dalawang gintong singsing at isang pares ng hikaw, nagkakahalaga ng P30,000, at P1,000 cash ni Namrayda Datumanong, 24, may asawa, ng Bgy. Cacamilingin Norte, Camiling.

Napag-alaman na sumakay ang ginang sa jeepney na may rutang Cabanatuan-Tarlac City sa Sta. Rosa, Nueva Ecija at nang nag-iisa na lang na pasahero ang biktima, sa Sitio Maligaya sa La Paz, Tarlac, ay tinutukan ito ng patalim sa leeg ng mga suspek at hinoldap. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog