ZAMBOANGA CITY – Isang kilabot na gang leader at isang pulis ang napatay sa 30-minutong sagupaan kahapon ng madaling araw sa Sitio Lemon, Barangay Salvacion sa Labason, Zamboanga Del Norte.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-9 Spokesman Supt. Rogelio Alabata ang napatay na pulis na si PO2 Alejandro Gapungle, ng Special Action Force (SAF).

Napatay din si Omar Arasi, pinuno ng kilabot na grupo ng mga bandido sa Zamboanga del Norte at number one most wanted sa Region 9. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol