CABIAO, Nueva Ecija - Boluntaryong isinuko ng mga kaanak sa mga opisyal ng barangay ang isang 47-anyos na magsasaka matapos niyang pagtatagain ang dalawang kapatid habang nag-iinuman ang mga ito sa Barangay San Vicente sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Cabiao Police ang mga biktimang sina Frederick Mangulabnan y Opena, 35; at Felix Mangulabnan, kapwa kapatid ng suspek na si Francisco Mangulabnan, 47, pawang taga-Bgy. Burgos sa Cabiao.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Crisolo Caguiat, 10:50 ng gabi nang magsimulang mag-inuman sina Frederick at Felix at makalipas ang halos dalawang oras ay biglang nagwala si Francisco at tinaga sa ulo si Frederick, habang sa braso naman nataga si Felix.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang puno’t dulo ng pagwawala ng suspek at ang motibo nito sa pananaga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol