PALARONG PAMBANSA OPENING

Batang gymnast, agaw-pansin sa Palaro sa Albay.

Legazpi City – Tinanghal na “‘most bemedalled athlete” sa ikalawang araw ng kompetisyon si Ancilla Lucia Mari Manzano ng National Capital Region (NCR) nang angkinin ang tatlong gintong medalya sa Gymnastics event ng 2016 palarong Pambansa sa Albay dito.

Nakopo ng Grade 4 – Class Sakuting sa Mirriam College ang panalo sa single bar (18.65 puntos) at floor exercise (19 na puntos), habang pumangalawa sa balance beam at vault para makumpleto ang kampanya sa Individual All-Around sa Elementary Girls na may kabuuang 75.25 puntos.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nagwagi naman si Samuelle Isabella Yacob mula sa Region 3 CLRAA sa balance beam (18.85 puntos) at vault (18.9 puntos) subalit pumangatlo lamang sa Single Bar at ikalawa sa Floor Exercise (17.8 puntos) at nagkasya sa pilak sa Individual All-Around sa 74.4 puntos.

Napunta ang tanso kay Francile Parkinson ng CVRAA (68 puntos).

Isang bagong record pa ang naitala sa Elementary boys javelin throw mula kay Jerick Mendoza ng MIMAROPA nang maihagis ang sibat sa layong 57.50 metro, sapat para malagpasan ang dating marka na 51.88 metro na naitala ni Jonah Robles noong 1998 Centennial Palaro sa Bacolod City.

Napunta ang silver kay Jan Mervin Francisco Calabaron (54.15) at bronze medal winner si Melvin Lacson ng Bicol (51.92).

“Maganda sa pakiramdam sa buong Calabarzon na may na-break kaming record,” sambit ni Mendoza. “First time ko po sa javelin throw kaya po noong STCAA ay fifth lang ako. Determinado talaga ako mag gold ngayon,” aniya.

“Talaga pong babasagin namin ang record. Gusto ko pa talaga makuha ‘yun,” Pahayag ni Mendoza, patungkol sa tangkang bagong marka sa pagsabak sa discuss throw event.

Nagwagi rin ng ginto sa Elementary boys triple jump si Rick Angelo Sotto ng Western Visayas (12.20m), si Laurence Yhurihie Tagaca ng NCR sa Elementary boys shot put sa kanyang 10.76m at record holder na si Efrelyn Democer ng NMRAA na naipagtanggol ang kanyang korona sa Secondary girls javelin throw sa 38.79m.

Naiuwi ni Elvy Villagoniza ng WVRAA ang ginto sa Secondary girls long jump sa tinalon na 5.39 metro.

Dinomina ng CALABARZON ang chess matapos walisin ang ginto sa Elementary boys blitz mula kay Daniel Quizon na nagtipon ng anim na puntos at ang Elementary girls blitz na napagwagian ni Jerlyn Mae San Diego (6 point).

Ang Chess Secondary boys blitz ay napagwagian ni Tristan Jared Cervero ng NCRAA (6 point) habang ang girls class ay napunta kay Fiona Geeweneth Guirhem ng WVRAA na may 5.5 puntos.

Sa Taekwondo Poomsae, nagwagi sa Secondary girls Individual A si Zyka Angelica Santiago mula CavRAA, habang sa Secondary girls individual A, ang namayani ay si Akila Gabrielle Boloto ng R10.