PAGDATING sa kantahan, asahan nang hindi magpapatalo ang Pinoy, lalo na kung sa ibang bansa ang paligsahan. Ito ang muling pinatunayan ng kauna-unahang Filipino singer na si Armand Curameng na ma-conquer ang  The Voice of Italy. 

ARMAND

Si Armand na ipinanganak at lumaki sa Sarrat, Ilocos Norte ay halos dalawang dekada nang nanirahan at nagtrabaho sa Palermo, Italy. Sa Ilocos siya nagsimulang sumali sa mga amateur singing contest noong siya ay nasa elementarya pa lamang, at agad na nakitaan ng galing kaya maagang nagbilang ng mga panalo.

Nagpursige siyang maging professional singer nang siya’y magbibinata. Natanggap siya bilang vocalist ng isang banda na namayagpag sa Ilocos region.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Dahil simpatiko at romantiko ang dating ni Armand lalo na kapag nagtatanghal na sa  entablado, maaga rin siyang umibig at nakilala ang love of his life na  nagtatrabaho sa Italy. Agad silang nagkaroon ng anak na lalaki na nauna pang nakaapak sa bansa ng  mga pasta at pizza. 

Kaya lalo siyang nagpursige para masundan ang mag-ina sa Italya. Kumayod siya nang husto sa pagiging professional singer na lalo pang naghatid sa kanya ng saya at magandang kapalaran. Nakapag-record siya ng mga awiting Ilocano. Noong 1998, nagkamit siya ng parangal mula sa Awit Awards bilang  Best Regional Recording Artist and Best (Regional) Composer. Noon na nagsimulang bumaha ang suwerte ni Armand kasama na ang pinakamalaking biyaya -- ang pagkakaroon niya ng working visa sa Italy. 

Nanirahan siya sa Palermo City, sa isla ng Sicily sa southern Italy. Doon, hindi lang ang kanyang maybahay at ang kanilang siyam na taong gulang na anak ang kanyang natagpuan kundi maging ang kanyang trabaho. Sa araw nagtatrabaho si Armand bilang domestic helper sa isang bed and breakfast inn at sa gabi ay isa siyang singer.

Dahil lumaki sa mga pa-contest, tuloy din ang pagsali niya sa mga paligsahan sa pag-awit sa Palermo. Kahit na ano, basta kantahan, sinasalihan niya. Nanalo siya sa isa sa mga ito – sa Pop Festival of Southern Italy (Cantamare) – at ito ang naghatid sa kanya ng contract sa Papa Music & Entertainment. Sa southern Italy, nagsimula ring sumikat nang husto si Armand  at nakilala bilang concert artist. Nai-feature pa siya sa ilang  programa sa national and local TV stations. Katunayan, lumabas pa si Armand sa telenovela na Rai Due of Italy (Terra Lontana). 

Naging isa sa malaking recording artists sa Palermo o sa buong lugar sa Sicily si Armand pero aminado siyang hindi pa niya naku-conquer ang buong  Italya kaya sinubukan niyang makita ang maganda pa niyang kapalaran sa  The Voice of Italy. 

At dahil may angking talento, lumusot si Armand sa blind auditions. Agad  umikot ang upuan ng dalawang hurado sa apat na hurado ng contest  at ang unang nag-turn ng  upuan ang  binansagang Italy’s Television Queen na si  Raffaella Carra  na sinundan ang rapper na Emis Killa. Si Armand ang masuwerteng singer na kukumpleto teams for coaching ng dalawang hurado. Napanood ang blind audition ni Armand sa Italian TV noong March 30 sa The Voice of Italy studio sa siyudad ng  Milan.

Sa napanood na eksena sa blind audition na na-ishare sa social media,  napa-wow ang dalawang hurado  sa  rendition ni Armand sa awitin na Crazy Little Thing Called Love.

Sa  Facebook postings  ni Armand after he made it among the 16 contestants, he revealed that he chose Carra dahil kapareho niya itong pop singer at isa ito sa mga pinakauna niyang hinangaan sa Italy. 

Ang dalawa pang judge-coaches ay sina Dolcenera and ang pop-rocker na si Max Pezzali. Ang kada judge-coach ay may four members sa team na makikipaglaban sa bawat isa sa sabayang performance at in pairs sa “battle rounds” na isa lamang ang naiiwan sa bawat team patungo sa final rounds. Ang battle rounds ay magaganap ngayong Abril. Ito ang pang-apat na season ng The Voice of Italy. 

Ito ang post ni Armand sa kanyang Facebook account: “It’s overwhelming! I wanna share to all of you this ‘victory.’ The Voice of Italy is one of the hardest shows to get into and being accepted in the show is already a victory for me--a great blessing. Also, it is a great honor to be the first Filipino to enter into it. I’m sure this is an inspiration and it will open doors to other Filipinos in Italy.

“It’s (The Voice of Italy) tough and it’s very competititive -- but with your prayers, I know this will bring me more opporunities... Mabuhay ang Pilipino!”

At bilang proud Pinoy, mabuhay ka, Armand! Go, go, go for gold! --Obette Serrano