Kasunod ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at pagdakip sa pitong wanted, kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang Manila Police District (MPD) sa pinakamalaking nabawas na krimen sa Metro Manila sa unang tatlong buwan ng 2016.

Kinikilala ng PNP ang MPD sa pagtatala ng huli ng pinakamataas na porsiyento ng nabawas sa crime rate para sa district level sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa average na 14.63 porsiyento, batay sa naitalang lingguhang crime volume simula Disyembre 28, 2015 hanggang Marso 13, 2016.

Tumanggap din ang MPD ng isa pang parangal mula sa NCRPO sa pinakamaraming wanted persons na naaresto, alinsunod sa implementasyon ng “Oplan: Lambat Sibat”.

Sa unang dalawang buwan ng taon, nakapag-ulat ang MPD ng 324 na pagdakip at nakumpiska ang nasa P10-milyon ilegal na droga. Sa kaparehong panahon noong 2015, naaresto ng MPD ang 1,915 hinihinalang gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga.

National

Giit ni HS Romualdez sa bentahan ng ₱20 na bigas: 'The beginning of a national transformation!'

Ang pagkilala ay iprinisinta ni PNP Chief Director Gen. Ricardo C. Marquez at tinanggap ni MPD Director Rolando Z.

Nana sa Camp Crame sa Quezon City, kamakailan.

Noong 2015, pinarangalan din ng NCRPO ang MPD sa pagkakaroon ng pinakamaraming nakumpiskang armas—305 sa kabuuan, mula Enero hanggang Disyembre 2015.

Sinabi naman ni Nana na seryosong tinututukan ng MPD ang pagdakip sa mga pugante, at pagsugpo sa ilegal na droga sa Maynila sa tulong ng libu-libong volunteer barangay spy sa lungsod.