PADRE BURGOS, Quezon – Tatlong kataong sakay sa motorsiklo ang nasawi matapos magkaproblema sa sasakyan hanggang sa sumalpok ito sa kasalubong na sasakyan sa national highway sa Barangay Danlagan sa bayang ito, nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na si Mercadejas Villareal, 44, may asawa, driver ng motorsiklo; at angkas niyang sina Efren Camba Mercadejas, 58, may asawa, obrero, kapwa taga-Bgy. San Vicente rito; at Julie Reamico, 35, may asawa, vendor, ng Oas, Albay.

Pasado 4:15 ng hapon at mabilis na tinatahak ng motorsiklo ang pakurbang bahagi ng Bgy. San Vicente patungong Lucena City nang mawalan ng kontrol sa sasakyan si Villareal hanggang bumangga ito sa Toyota Innova na minamaneho ni Filomeno Corpuz Capistrano, 60, may asawa, ng Bgy. Duhat, Padre Burgos.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Capistrano. - Danny J. Estacio

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog