May 80 sultada ang naghihintay sa mga opisyonado sa Pasay City Cockpit Arena sa paglatag ng 10th Leg One-Day 6-Cock Derby ngayon, simula 2:00 ng hapon.

Higit pang mag-iinit ang labanan para sa 2016 Cocker of the Year dahil inaasahan na ang mga lider na sina Joey delos Santos (San Roque) na may 35 puntos at si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) na may 34 na puntos ay maglalabas nang kanilang mga ganador na mga 2-time o 3-time winner.

Nakabuntot sina Fiscal Villanueva/Eboy (Fiscalizer) -32.5; CAS/Jeff & Alwyn Sy (Golden Boy) - 32.5 at Arman Santos (Jade Red) - 32.

Umakyat si Ka Luding (LDB Candelaria) sa ikaanim na puwesto matapos ang kanyang tagumpay sa 9th Leg, kasunod sina Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville); Gerry Ramos (AAO Striker); Gerry Teves (Gerry Boy); Magno Lim (MYL Mighty Kidz Gerritz Davao Matina); Cong. Patrick Antonio (Pang Minimum Bet) at Gerry Ramos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay magkakasamang itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Sagupaan, Solaire Resorts & Casino at Resorts World - Manila.