Nasungkit ni Ka Luding Boonggaling, gamit ang kanyang sikat na entry na LDB Candelaria RCG, ang solong kampeonato sa 9th Leg ng 2016 UFCC Cock Circuit upang pangunahan ang 10th Leg One-Day 6-Cock Derby bukas na tampok ang hindi kukulangin sa 35 entries.

Matinding hamon ang haharapin ni Boongaling mula sa mga nangunguna sa labanan para sa 2016 Cocker of the Year na sina Joey delos Santos (San Roque) na may 35 puntos, kasunod sina Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) - 34; Fiscal Villanueva/Eboy (Fiscalizer) -32.5; CAS/Jeff & Alwyn Sy (Golden Boy) - 32.5, at Arman Santos (Jade Red) - 32.

Umakyat si Ka Luding sa ikaanim na puwesto matapos ang kanyang tagumpay sa 9th Leg, kasunod sina Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville); Gerry Ramos (AAO Striker); Gerry Teves (Gerry Boy); Magno Lim (MYL Mighty Kidz Gerritz Davao Matina); Cong. Patrick Antonio (Pang Minimum Bet) at Gerry Rmos (AAO Hitcock).

Handog ng Ultimate Fi ghting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay magkakasamang itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Sagupaan, Solaire Resorts & Casino at Resorts World - Manila.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Ang pagsusumite ng timbang ay nakatakda ngayon mula 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, na susundan agad ng computer matching.