Natigmak ng dugo ang mahabang prusisyon matapos itong araruhin ng rumaragasang motorsiklo na ikinasugat ng limang katao sa Paniqui-Camiling Road sa Barangay Mabilang, Paniqui, Tarlac.

Sa naturang insidente ay nasugatan ang mga nagpuprusisyon na sina Elena Simbre, 48; Eliza Sudaria, 50; at Joman Aquino, 13, pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sugatan din sa insidente ang rider ng Yamaha motorcycle na walang plate number na si Jay-Ar Oriente, 23, ng Bgy. Sinigpit, Paniqui, at ang kaangkas nitong si Regie Oriente, 22, ng nasabi ring barangay.

Dakong 4:35 ng umaga, ipinuprusisyon ang imahen ng Birheng Maria sa Paniqui-Camiling Road nang biglang nawalan ng kontrol si Oriente sa minamaneho niyang motorsiklo at dumiretso sa mga biktima na taimtim na nagdarasal nang araruhin ng magkaangkas. (Leandro Alborote)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20