Miguel Tanfelix and Bianca Umali copy copy

SPECIAL guest ang Kapuso love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali (BiGuel) sa Aha! ngayong Linggo.

 

Para sa mga bida ng Wish I May, enjoy gamitin ang social media apps na patok ngayon. Pero paano nga ba ginawa ang nakakaaliw na apps na kinahuhumalingan ding laruin at butingtingin ng maraming ka-Aha! sa kanilang cellphone? 

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Kasama si Maey B., kikilalanin din ng Aha! ang mythical creature na unicorn. Alamin ang katotohanan sa likod ng kumakalat na balitang maaaring totoo raw at hindi kathang-isip lamang ang unicorn.  

 

Magtutungo rin ang Aha! sa Palawan. Sasaksihan ng YouTube sensation na si Wil Dasovich ang daan-daang maliliit na pagong na pakakawalan patungo sa kanilang natural habitat sa Turtle Bay.

 

Samu’t saring saya at kaalaman na naman ang mapapanood sa Aha! kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 a.m. sa GMA.