COCO AT BELA copy

MAAARING isa na rin sa mga dahilan ng pagtsugi sa karakter ni Bela Padilla bilang Carmen sa FPJ’s Ang Probinsiyano ang sakit niyang acute anterior uveitis, isang karamdaman sa mata. Pero itinanggi niya ito.

“That’s totally not related to why I left the show,” paglilinaw ng aktres.

Pero inamin ni Bela sa panayam sa kanya ng ABS-CBN news na ilang araw din siyang hindi nakapag-taping ng Ang Probinsyano dahil nagpapagamot siya ng kanyang kaliwang iris na na-damage habang nagti-taping siya sa serye nila ni Coco Martin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Aware siya na noon pa mamamatay ang karakter niya, kaya sa istorya ngayon, ulilang lubos na si Junior na anak niya kay Ador (kakambal ni Cardo) at biyudo naman na ang kanyang pangalawang asawa na si Joaquin (Arjo Atayde).

Nabanggit ng aktres na dapat ay walong linggo lang siyang mapapanood sa serye.

“Matagal ko nang alam that I was going to leave the show. Pero all the same, it’s very sad kasi siyempre napamahal na ako sa mga taong nakatrabaho ko at sa character ko.”

Namatay si Carmen sa episode nitong nakaraang Miyerkules at pinanood niya ito.

“Nakakalungkot na makita iyong death niya from my point of view. Siyempre, I fell in love with my character and the people she was relating to in the show. So naging emotional lang ako dahil ngayon lang nagsi-sink in sa akin na hindi na ako magti-taping.”

Ano ang mami-miss niya sa Ang Probinsyano?

“I think everything, the people, definitely. The crew, the production, the cast, each and everyone. I learned something from each and everyone. I’m going to miss seeing their faces every single day.”

Samantala, naikuwento sa amin ng kakilala namin sa ibang network na takot silang tapatan ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sobrang dami na ng followers nito lalo’t kaya hindi na bumababa ang ratings sa 40% plus.

Kamakailan lang ay nakakuha na naman ng 46.7% ang serye.

Mukhang totoo nga ang biro sa amin ng taga-Dos na aabutin ng 2017 ang seryeng ito ni Coco. Oo nga naman, paano mo tatapusin ang programang pumapalo ang ratings sa mahigit kuwarenta? (Reggee Bonoan)