Plano ng kandidato sa pagka-bise presidente na si Senator Francis “Chiz” Escudero na maghain ng reklamo laban sa mga aktibong kasapi ng Philippine National Police (PNP) na sinasabing palihim na nakipagpulong kamakailan sa close-in staff ng Liberal Party standard-bearer na si Mar Roxas, sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.

Kinumpirma ni Escudero na binubuo na ng kanyang kampo ang reklamong ihahain nila sa Commission on Elections (Comelec) laban kina Dir. Generoso Cerbo, Jr., hepe ng Directorate for Intelligence; at Chief Superintendents Renier Idio, Bernardo Diaz, at Ronald Santos.

“(That is) electioneering and partisan political activity being done by members, active members of the PNP,” sinabi ni Escudero sa mga mamamahayag nang tanungin siya tungkol sa ihahain niyang reklamo.

“I don’t know the exact penalty but there is, because that’s considered an election offense,” ani Escudero, na katambal ng presidentiable na si Sen. Grace Poe.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

“We’ve been hearing it for so long that members of the PNP are having an active part in the elections. Maybe it was only then that they were caught on camera at that hotel,” pagpapatuloy ni Escudero.

“According to PNP Chief (Director General Ricardo) Marquez, if a police officer is faced with a complaint, he would relieve that official like what he did to the Chief of police in a town in Abra. Then, if that’s the case, we will file a complaint against these policemen that were seen having a meeting with former Secretary Mar Roxas’ staff,” dagdag pa ng senador.

Sinabi ni Escudero na matindi ang paniniwala niya na may kinalaman sa eleksiyon sa Mayo 9 ang nasabing pulong, dahil patuloy na bumababa ang puwesto ni Roxas sa mga pre-election survey para sa presidentiables.

Suportado naman ni Poe ang paghahain ng reklamo ng kanyang running mate, dahil naniniwala siyang hindi dapat namumulitika ang pulisya. (Hannah L. Torregoza)