Reen Yu  at Vic Chou copy

MAGKAKAROON na ng panganay ang Taiwanese actor at F4 member na si Vic Chou, mas kilala bilang “Hua Ze Lei” sa 2003 hit series na Meteor Garden, sa asawang si Reen Yu.

Ang 34 na taong gulang na si Vic, at ang 28 taong gulang na si Reen ay nagkakilala sa 2009 series na Black & White, pagkaraan ng apat na taong relasyon pagiging magkasintahan ay nagpakasal sila noong Nobyembre 2015.

Iniulat ng Yahoo! Singapore na tatlong buwan nang buntis si Reen.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Ayon sa manager ni Vic, walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ng aktor ngayong magiging ganap na siyang ama, sa unang pagkakataon.

“Vic is happy and excited. He has bought many books to learn about pregnancy and about caring for a baby. He thanks everyone for their concern,” ayon sa manager ni Vic, base sa ulat ng Yahoo! Singapore.

Nakatakdang ipaalam nina Vic at Reen ang kasarian ng kanilang anak at kung kailan ito nakatakdang isilang.

Si Vic ang unang F4 member ang magkakaroon ng anak, bagamat si Barbie Hsu, ang gumanap bilang Shan Cai sa Meteor Garden, ay pitong buwan nang buntis sa kanyang ikalawang anak. (RAP TORRES)