Target ng University of the Philippines na makopo ang ikatlong sunod na kampeonato sa pagratsada ng UAAP Season 78 streetdance championships ngayon, sa Mall of Asia Arena.

Gumamit ng mga nausong sayaw noong dekada 90 at mga bagong dance mixes, nakamit ng UP Street sa kanilang sayaw na tinawag na “luksong tinik” ang kampeonato noong nakaraang taon matapos makakuha ng 178 puntos para talunin ang Company ng Ateneo Dancers (167.3) at two-time titlist La Salle Dance Company-Street (167).

Inaasahang magiging matinding contender muli ang Ateneo na nakapagtala ng kanilang best finish sa four-year competition gayundin ang La Salle.

Nakatakdang simulan ang kompetisyon sa ganap 2:00 ng hapon at ipapalabas ng live sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23. (Marivic Awitan)

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo