Dahil sa hangaring mas mapaginhawa ang kanilang mga customer sa pagbabayad ng konsumo sa tubig, nakipagtulungan ang Manila Water sa Security Bank para rito.

Sa bisa ng Memorandum of Agreement (MoA), maaari nang magbayad ng water bill, sa pamamagitan ng cash o over-the-counter sa lahat ng sangay ng Security Bank, at maging sa mga automated teller machine (ATM) at online banking facility nito.

Makaaasa ang mga customer ng mas mabilis at epektibong serbisyo mula sa dalawang kumpanya. (Ellaine Dorothy S. Cal)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho