GERONA, Tarlac - Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness ang isang lalaki na minolestiya at tinangkang halayin ang isang ginang sa gitna ng bukirin sa Barangay Santiago, Gerona, Tarlac.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni PO2 Baby Lyn Valeros na sa reklamo ng 41-anyos na biktima ay pinaghahanap na ng pulisya si Juler Manayan, nasa hustong gulang, kapwa residente ng nasabing barangay.

Dakong 7:00 ng umaga nitong Huwebes nang naisipan ng ginang na magdala ng almusal sa asawang nagtatrabaho sa bukid, pero hinarang siya ng suspek, kinaladkad sa isang bahagi ng bukirin at doon minolestiya.

Ayon sa report, nang tinangkang hubaran ng suspek ang ginang ay nanlaban at nakapumiglas ang biktima para agad na magsumbong sa pulisya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae