Inihayag ng Commission on Election (Comelec) na susubaybayan nito ang mga kandidato na posibleng magsamantala sa laban ng Pinoy boxing legend na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao laban sa Amerikanong si Timothy Bradley bukas, Abril 10.

Nagbabala si Comelec Spokesman James Jimenez sa mga kandidato na sasamantalahin ang pagkakataon upang ikampanya ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga libreng panonood nang live sa laban, habang nangagsabit sa venue ang kani-kanilang campaign materials.

Iginiit ni Jimenez na ito ay isang election offense dahil umiiral ang campaign period.

“Let us not forget that we are in the middle of the campaign period. Use your judgment well, review the rules, and act accordingly,” mensahe ni Jimenez sa mga kandidato.

National

Sen. Imee sa mga 'gigil' i-impeach si VP Sara: 'Demokrasya ang gusto n'yong paglaruan!'

Alinsunod sa Comelec Resolution No. 10049, ipinagbabawal sa mga kandidato ang pagdi-display ng kanilang campaign materials sa mga pampublikong lugar na nasa labas ng mga common poster area.

Ang mga mapatutunayang lumabag ay maaaring makulong, o bawian ng karapatang bumoto, at madiskuwalipika bilang lingkod-publiko. (Samuel P. Medenilla)