Karla, Melai at Jolina copy

INI-REVEAL na ni Karla Estrada sa kanyang Facebook account na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ang makakasama niya sa talk show na sinabi niya sa kanyang nakaraang presscon.

Matipid na “soon” ang nakalagay sa litrato na magkakasama sila nina Jolina at Melai.

Nagtanong kami sa taga-Dos na kakilala namin kung ano ang titulo ng programa ng tatlong aktres, at ang sagot sa amin, “ay wala pa po, hindi pa buo, wala pang napa-finalize.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kung hindi pa buo, wala pang titulo at hindi pa finalize, e, bakit nag-post na si Karla ng mga makakasama niya sa programa at may nakalagay pang ‘soon’? Ibig sabihin noon ay buo na ang show na ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga manonood.

Nabanggit din sa amin na hindi pa ma-finalize ang talk show dahil hindi pa pumipirma ng kontrata sina Melai at Jolina.

Tinanong namin ang manager ni Jolens na si Perry Lansigan tungkol sa bagong project ng aktres at kung bakit hindi pa sila pumipirma.

“Ano ba sinasabi mong show? Wala pa contract na sinasabi mo and show, baka Star Magic kausap,” nagtatakang sagot sa amin ni Perry.

Tinext namin si Karla kahapon kung kailan mapapanood ang programa nila nina Jolens at Melai pero hindi niya kami sinagot hanggang matapos naming tipahin ang balitang ito.

Pawang positibo ang mga komento sa post ni Karla at may mga nagsasabi na tiyak na riot daw silang tatlo sa bago nilang programa. Mukha naman dahil pawang makukulit at kung anu-anong topic ang puwedeng pag-usapan ng tatlo, baka nga bigyan sila ng rating ng MTRCB ng PG o SPG dahil walang preno bibig nila.

Isipin mo, bossing, ang aga-aga ng timeslot, PG o SPG ang ratings, ha-ha-ha! (REGGEE BONOAN)