DISMAYADO ang stylist sa aktres na kasama sa isang game show dahil napakasalaula raw nito sa mga damit na ipinapasuot sa kanya.

Noong una raw ay dinedma ng stylist ang ginawa ng aktres na nagpalit ng damit at iniwan lang sa portable toilet nang mag-location shoot sila. Inisip na lang na baka naiwan ito dahil sa pagmamadali.

Pero hindi lang once, twice kundi thrice pang ginawa iyon ng aktres na nang tanungin ng stylist kung nasaan ang damit na hinubad ay sinabing, “nandoon (sabay turo sa portable toilet).”

Mangiyak-ngiyak ang pobreng stylist dahil lahat daw ng damit ay binibili niya at iilan lang ang nahihiraman niya na kailangan din niyang isoli.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Paano mo nga naman isosoli kung marumi na at iniwan sa portable toilet, eh, kung sinu-sino ang gumagamit doon kasi hindi naman exclusive for artists ‘yung portalet,” kuwento ng staff ng game show.

“Kaya pala wala nang stylist na gustong magbihis kay _____ (aktres), lahat umaayaw kasi hindi pala maganda ang ugali,” dagdag pa ng source.

No wonder, kaya hindi siya sumikat-sikat. Nai-imagine na namin ang reaksiyon ng mga nakakatrabaho ng aktres na wala rin palang galang sa mga kasamahan. 

Kahit na ano pa ang gawin sa kanya ng TV network na nakadiskubre sa kanya, partida pa dahil halos lahat ng programa ay kasama siya, pero waley pa rin.

Kaya pala mailap sa kanya ang suwerte, hindi maganda ang ugali niya. Halos nandidiri sa pagkasalaula niya ang mga nakakasama niya.

Hindi rin nanghihinayang ang mga nakakakilala at nakakatrabaho sa aktres na ito dahil wala rin namang nakikitang talento sa kanya. (Reggee Bonoan)