KC copy copy

KUNG sina Kuya Boy Abunda at Sarah Geronimo ay kapipirma lamang ng bagong kontrata sa ABS-CBN, nag-confirm na rin ang isa pang Kapamilya star na si KC Concepcion na pipirma na rin ng panibagong kontrata sa Kapamilya Network any day now.

“Kakausap ko pa lang kay Tita Cory (Vidanes) kanina. So we’re signing a two-year deal. So I’m renewing with ABS-CBN,” pahayag ni KC kamakalawa.

Ini-reveal din niya ang gusto niyang mangyari sa kanyang career kung saka-sakali.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Once that’s done, I’m going back to hosting and I’m going back to drama also.”

Ikaw Lamang ang huling serye ni KC noon pang 2014. Gagawa rin ba siya uli ng pelikula?

“I don’t want to talk about something that’s not confirmed yet but, of course, we’re talking about doing these things this year,” sagot niya.

Abala si KC sa paghahanda bilang isa sa mga host ng 2016 Binibining Pilipinas na gaganapin sa Araneta Coliseum sa April 17 with Xian Lim as co-host.

“So ma-me-meet ko si Pia Wurtzbach,” pabiro niyang sabi. (Ador Saluta)