Esang copy

SIMULA ngayong Biyernes, kasama na sa cast ng Les Miserables si Esang de Torres, ang Top 4 finalist ng Season 2 ng The Voice Kids ng ABS-CBN. 

Si Esang ang gaganap na young Cosette sa Les Miz at kakantahin ang Castle On A Cloud. Sa ganda ng boses, tiyak na magugustuhan ng audience si Esang.

Si Lea Salonga na coach ni Esang sa The Voice Kids ang nagpakilala kay Esang kay Cameron Mackintosh, producer ng Les Miz. Ito na rin ang nag-announce ng, “I am thrilled to announce that another Filipino, Esang de Torres, will join the international cast of the Manila production of Les Miserables.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Dumaan si Esang sa matinding rehearsal bago isalang sa Les Miz na napapanood sa Theater Solaire sa Solaire Resorts and Casino hanggang sa May 1. (NITZ MIRALLES)