Dingdong copy

NAGBITIW na sa kanyang tungkuling ang aktor na si Dingdong Dantes bilang commissioner-at-large ng National Youth Commision. 

Ang nasabing puwesto ay ibinigay sa kanya ni Presidente Noynoy Aquino na tinulungan niya sa kampanya noong 2010 presidential election.

Kumalat ang balita na nagbitiw sa kanyang tungkulin si Dingdong dahil magko- concentrate na siya sa susuportahan niyang kandidato at nabanggit ang pangalan nina Presidentiable Grace Poe at Vice Presidentiable Leni Robredo.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Tinanong namin ang manager ng aktor kahapon na si Perry Lansigan kung ang dalawang nabanggit na kandidato nga ba ang iboboto ni Dingdong.

“Hindi ko pa nakakausap kasi nasa Malaysia pa (si Dingdong), pero sure na ako, si Leni,” matipid na mensahe sa amin ni Perry.

At marami rin kaming naririnig na taga-industriya na gusto raw nilang magtambal bilang presidente at bise presidente ay dalawang babae para maiba naman daw. (Reggee Bonoan)