Laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

(Game 3 of Best-of-5

Finals; Series tied 1-1)

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

3 n.h. -- Phoenix-FEU vs Café France

Mag-uunahang makakuha ng bentahe ang magkaribal na Phoenix-FEU at Café France sa paglarga ng Game 3 ng best-of-five championship series ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magaganap ang pagtutuos ganap na alas-3 ng hapon.

Binawian ng Bakers ang Accelerators nang baligtarin nila ang nangyari noong Game 1 at itala ang 86-77 panalo sa Game Two para maitabla ang serye sa 1-1.

“Hopefully sa third game, pareho na kami ng intensity,” ani Macaraya na muling sasandig para pamunuan ang Bakers kina Carl Bryan Cruz, Rod Ebondo, at Paul Zamar .

Para sa Accelerators, umaasa sicoach Eric Gonzales na muli niyang makikita ang tapang at gutom sa kampeonato sa kanyang mg player.

“Kulang kami sa execution, sana makabawi kami next time,” ani Gonzales.

Sapat na suporta ang kakailanganin ni MVP frontrunner Mac Belo mula sa kanyang mga kakampi partikular kina Accelerators Mike Tolomia, Ed Daquioag, Roger Pogoy at Russell Escoto. (Marivic Awitan)