Ginapi ng De La Salle University ang Ateneo de Manila, 3-1, upang makopo ang unang finals berth sa UAAP Season 78 women’s football tournament sa McKinley Hill Stadium sa Taguig.

Naitala ni Sara Castañeda ang kanyang league-best sixth goal ngayong season sa ika-33 minuto, may 10 minuto matapos simulan ni Irish Navaja ang scoring para sa Lady Archers.

Sinundan naman ito ni Maria Teresa Bernardo sa ika-70 minuto para sa solong goal ng Lady Eagles bago tuluyang sinelyuhan ni Kyla Inquig ang panalo para sa Lady Booters sa ika-81 minuto.

Dahil sa panalo,mayroon na silang natipong maximum na 15 puntos at makapasok sa Finals sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon.

Sa isa pang laban, nagtapos sa 2-2 draw ang tapatan ng defending champion Far Eastern University at University of the Philippines sa rematch ng nakaraang season 77 Finals.

5-anyos na batang ginilitan at winakwak ang tiyan, pumanaw na!

Umiskor ng dalawang goals para sa Lady Tamaraws si Jovelle Sudaria habang naka- goal naman sina Christina Delos Reyes at Mary Rose Obra para sa UP.

Nanatiling nasa ikalawang puwesto ang UP na may 10 puntos at pangatlo ang FEU na may 7 habang pang- apat pa rin ang Ateneo na may 6 na puntos. (Marivic Awitan)