Nakahanda na ang courtesy resignation letter ni Police Director General Ricardo Marquez, hepe ng Philippine National Police (PNP), na isusumite sa susunod na pangulo ng bansa.

Sinabi ni Marquez na posibleng isumite niya ang kanyang courtesy resignation sa Hunyo 30, 2016.

Nilinaw ni Marquez na ito ay normal na proseso kaugnay sa pagpasok ng bagong administrasyon, na ang sinumang opisyal ng gobyerno kasama na ang hepe ng PNP ay nagsisilbi sa tiwala ay kumpiyansa ng commander-in-chief.

(Fer Taboy)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador