Nawalan ng tirahan ang halos 80 pamilya sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Las Piñas City, nitong Lunes ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Las Piñas City Fire Department, dakong 7:00 ng gabi nagsimula ang sunog sa loob ng bahay ng isang Marlyn Anes, dahil sa napabayaan umanong kalan, sa TS Cruz Subdivision, Barangay Almanza Dos.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang 40 bahay na pawang gawa sa kahoy.

Umabot ang sunog sa ikaapat na alarma bago tuluyang naapula, pasado 9:00 ng gabi.

National

Hindi paggamit ng ‘mother tongue’ sa pagtuturo sa Kinder – Grade 3, naisabatas na!

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog ngunit aabot sa P100,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa gymnasium ng naturang barangay habang ang ilan ay piniling matulog sa gilid ng kalsada malapit sa nasunog nilang tirahan. (Bella Gamotea)