ANG sumikat na kanta ni Carol Banawa ten years ago na Bakit ‘Di Totohanin ay posibleng pagkakitaan pa rin dahil ginamit ito sa episode ng Hollywood series na Vampire Diaries, ayon sa naglabasang reports sa US.

Sa kanyang Instagram post, kinumpirma ni Carol ang good news.

Pinasalamatan ni Carol supervisor ng show, ang actor-turned-director na si Ian Somerhalder na siya ring gumagawa ng Vampire Diaries.

Ang Bakit ‘Di Totohanin ay featured sa 716 episode at nagsisilbing background sa eksena tampok si Elizabeth Blackmoore (as Valerie) at si Paul Wesley(as Stefan).

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang nasabing kanta ay inirekord ni Carol noong 1997 at naging theme song sa pelikula nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. (Ador Saluta)