Bea copy copy

NAITANONG sa interbyu kay John Lloyd Cruz last week ang estado nila ni Angelica Panganiban. 

Sari-saring balita kasi ang naglalabasan sa break-up nila pero walang kumpirmasyon kung ano nga ba ang totoo sa mga ito. May iba na nga ba siyang karelasyon?

Matapang namang sumagot si Lloydie na hiwalay na nga sila ni Angelica.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Single na single,” nakangiti pa niyang sabi, “wala naman pong nagbabago, kasi kung meron naman magiging masaya ka naman ipamalita.” 

Sinagot din ng aktor kung totoo nga bang si Bea Alonzo ang ipinalit niya kay Angelica. Nagkataon kasi na sumabay ang balita sa hiwalayang nila noong ginagawa ang A Second Chance.

“Kayo ang unang makakaalam, at saka ‘pag ganu’n hindi naman dapat iyon ‘nililihim o ‘tinatago. Life is too short.

You have to make every moment count. Sa edad kong ‘to magtatago pa ba? Sila JaDine nga umaamin, tayo pa ba?

Nakakahiya naman kung magde-deny pa tayo,” aniya.

Nakiusap ang aktor na tigilan na raw ang pagli-link romantically sa kanila ni Bea dahil wala naman itong katotohanan.

“We don’t feel the need to talk about it. Kasi doon sa mga taong involved doon sa issue, alam nila naman kung ano ang totoo, and madalas sapat na sa amin iyong alam namin ang totoo.”

Naging kalakaran kasi sa showbiz na pinag-uusapan ang magkalabtim ‘pag nagkakaroon ng pelikula. Gaya ng kanyang next project with Jennylyn Mercado, ang The Three of Us, aniya’y trabaho lang ang pagsasama nila.

“(She’s) very professional, very dedicated, wala akong masabi. Like all the women na nakatrabaho ko in the past, I think importante si Jennylyn Mercado sa industriya natin. Masaya lang ako na nakatrabaho ko siya,” pagtatapos ng aktor. (ADOR SALUTA)