pacman copy

Ni Robbie Pangilinan

LAS VEGAS -- Sa pag-akyat ni eight-division world boxing champion Manny Pacquiao sa ibabaw ng lona, maaaring huling pakikihamok na ito ng People’s Champion kung kaya’t aligaga na sa paghihintay ang boxing fans, sa buong mundo, higit ang mga Pilipino.

Haharapin ng Pambansang Kamao si Timothy Bradley sa ikatlong pagkakataon sa Abril 9 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Bago ito, naipahayag ni Pacquiao, tatakbong Senador sa gaganaping halalan sa Pilipinas sa Mayo 9, na handa na siyang magretiro sa boxing matapos ang naturang laban.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Sa itinakbo ng pagsasanay ni Pacman, walang duda na kumpiyansa ang Team Pacman, kabilang na si dating junior bantamweight and titleholder Gerry Penalosa, na hahalik sa lona si Bradley.

“I am sure Pacquiao can win TKO, kung makalusot si Bradley sa kamao ni Manny we can still win by unanimous decision. Speed is his biggest edge. If ever he will continue fighting, he should face Mayweather again. You are my hero!”pahayag ni Peñalosa, isa na ring boxing promoter.

Si dating Philippine Sports Commission Chairman at ngayo’y pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association na si Philip Ella Juico, ay may prediksiyon na ang Pambansang Kamao ay mananaig sa mga huling round.

“Maybe 8th or 9th round onwards. Pacquiao has too much speed and power and he is too smart for Bradley,” ani Juico.

“He can become over eager and careless. He has to watch out for that looping right hand, almost a round house right, of Bradley,” sambit ni Juico, patungkol sa posibleng maging liability ni Pacman.

Gayunman, siya ay nakapanig para kay Manny at, aniya pa, tanging ang Filipino sports icon lang ang makapagsasabi kung may gana pa siyang sumagupa ng isa o dalawa pang laban.

Kumpiyansa rin si Robert Nazal, CEO ng YSA Skin Care Corporation at isang supporter ni Pacman, na nagsabing mananalo si Manny sa pamamagitan ng desisyon.

“Bradley is in his prime and Manny has slowed down a bit. But skill-wise, Bradley is miles away from Manny. Bradley, however, is very good defensively and can surely take a punch. Manny should get a rematch from Floyd Mayweather. He deserves it. Go for the knock out Manny!” ayon kay Nazal.

Wala namang pagdududa si Healthwell Nutraceuticals Inc. President Paulo Legaspi na si Manny ang mananalo, ngunit naniniwala siyang ang pambansang kamao ay kinakailangan ng magretiro at magpokus sa kanyang pagtakbo bilang kandidato sa pagkasenador.

Magtatangka si Pacquiao sa mas mataas na posisyon matapos ang kanyang termino bilang Congressman ng Sarangani province.

Tinalo ni Bradley si Pacquiao nooong Hunyo 2012 sa pamamagitan ng kontrobersiyal na split decision, bago nanalo si Pacquiao noong 2014 sa isang one-sided unanimous decision kay Bradley. Ang salpukan ngayon ang muling pagbabalik ni Pacquiao matapos matalo sa kontrobersiyal na duwelo kontra Floyd Mayweather Jr.

Samantala, anim na libra ang labis sa timbang ni Bradley kung kaya’t inaasahang mas dadagdagan nito ang pagsasanay para makaabot sa tamang timbang sa araw ng laban.

“I’m one-fifty-three. Six more to go,” sambit ni Bradley sa panayam sa philboxing.com.