Tagumpay ang naging kampanya ng Alliance of Boxing Association in the Philippines (ABAP), sa kabila ng kabiguang makapag-uwi ng gintong medalya sa katatapos na Asian/Oceania Olympic Qualification Event sa Tangshan Jiujiang Sports Center sa Quianan’an, China.

Tumapos lamang ng silver medal si Charly Suarez nang mabigo via decision kontra Otgondalai Dorinyambuu ng Mongolia sa men’s lightweight finals.

Nauna rito, kinapos din si Rogen Ladon laban kay Hasanboy Dusmatov ng Uzbekistan, 2-1.

Sa kabila nito, kapwa pasok sa Rio Olympics ang dalawang Pinoy fighter. Batay sa format, uusad sa Rio Games ang tatlong mangungunang fighter sa bawat division.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hindi naman pinalad sina Eumir Marcial sa men’s welter (69kg) at Mario Fernandez sa men’s bantamweight na makaabot sa Rio nang matalo sa box-off.

Hindi rin makararating sa Brazil ang babaeng fighter na si Nesthy Petecio. - Angie Oredo