Asahang magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Ayon sa oil industry source, posibleng bumaba ng 50-70 sentimos ang kada litro ng diesel, 30-40 sentimos sa kerosene, at 20-30 sentimos naman sa gasolina.
Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Pebrero 16 nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng big-time price rollback na P1.40 sa gasolina, 90 sentimos sa kerosene, at 70 sentimos sa diesel. - Bella Gamotea