Aabot na sa halos 50 milyong balota para sa eleksiyon sa Mayo 9 ang natapos nang iimprenta ng National Printing Office (NPO).
Batay sa ulat ni Atty. Genevieve Guevarra, pinuno ng Commission on Elections (Comelec) Printing Committee, hanggang 4:00 ng hapon nitong Sabado, Abril 2, ay nasa 49.3 milyong official ballot na ang natapos iimprenta.
Nabatid na nasimulan na rin ng NPO ang pag-iimprenta sa may anim na milyong balota para sa National Capital Region (NCR).
Kumpiyansa si Guevarra na matatapos ang pag-iimprenta sa halos 57 milyong balota hanggang sa Abril 10, na mas maaga sa naunang target ng Comelec na Abril 25. (Mary Ann Santiago)