Isang retiradong pulis at isang karpintero ang namatay makaraan silang pagbabarilin ng magkaangkas sa motorsiklo sa Bacolod City, Negros Occidental, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa report ng Bacolod City Police Office (BCPO), nangyari ang insidente dakong 8:00 ng gabi sa Purok Himaya sa Barangay Mansilingan, ng nasabing lungsod.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina retired PO3 Jonathan Hermosura, 60, at ang karpinterong kinilala lamang sa pangalang Rene.

Hindi pa natutukoy ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa dalawa. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog