Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

3 n.h. -- Mahindra vs Meralco

5:15 n.h. -- San Miguel Beer vs Ginebra

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Patatagin ang kapit sa unang dalawang puwesto ang target ng namumunong Meralco at pumapangalawang San Miguel Beer sa pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2016 PBA Commissioner’ s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng Bolts ang mapanganib na Mahindra Enforcers sa pambungad na laro ganap na 3:00 ng hapon, habang mapapalaban ang Beermen sa crowd-favorite Barangay Ginebra Kings ganap na5:15 ng hapon.

Kasalukuyang magkasunod sa overall standing ang dalawang koponan, tangan ng Bolts ang barahang 6-2, habang may markang 5-2 ang Beermen.

Ayon kay Meralco coach Norman Black, nakatuon ang kanilang pansin na makasiguro ng puwesto sa quarterfinals.

“Our goal right now is just to make it to the quarterfinals,” ani Black matapos ang 106-83 panalo kontra Blackwater.

Hangad naman ng Beermen na madugtungan ang pamamayani kontra Alaska at Star sa nakaralipas na laro.

Kahit hindi naglaro sina Junemar Fajardo, Arwind Santos at Ronald Tubid, nakuha pa ring talunin ng Beermen ang Hotshots, 117-98, kung kaya’t malakas ang paniniwala ni coach Leo Austria na malaki ang kanilang tsansa na tumapos sa No.1 slot. (MARIVIC AWITAN)