GERONA, Tarlac - Naospital ang isang 21-anyos na lalaki matapos siyang makursunadahang saksakin ng dalawang hindi nakilalang suspek habang naglalakad siya sa Barangay Parsolingan sa Gerona, Tarlac, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni PO2 Artem Balagtas ang biktimang si Ronnel Landingin, may asawa, ng Bgy. Parsolingan, Gerona, na nagtamo ng malubhang sugat sa katawan at ginagamot ngayon sa Tarlac Provincial Hospital.

Dakong 3:30 ng umaga, naglalakad sa kalsada ang biktima nang pagsasaksakin siya ng dalawang suspek, na hinihinalang bangag sa ilegal na droga. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae