Patay ang isang lola makaraan siyang palakulin sa ulo ng sarili niyang anak sa Barangay Malinaw, Kalilangan, Bukidnon, sinabi ng pulisya kahapon.

Ang biktima ay kinilala ni Insp. Charlie Demenion, hepe ng Kalilangan Municipal Police, na si Edith Villejo.

Ayon sa report ng pulisya, pinalakol ang biktima ng anak niyang si Richard Villejo, 35, ng Bgy. Malinaw, ng nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon, nabatid na sinumpong ng tililing sa utak ang suspek kaya nakuha nitong patayin ang sariling ina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lumabas sa pagsisiyasat na gamit ang palakol, pinugutan ng suspek ang biktima sa hindi malaman na dahilan.

Sa pag-aresto ng pulisya, bitbit pa ng suspek ang pugot na ulo ng ina nang lumabas siya ng bahay.

Sa salaysay sa pulisya, sinabi ng asawa ng biktima na si Isidro Villejo na may diperensiya sa pag-iisip ang suspek, na nahaharap sa kasong paricide. (Fer Taboy)