ELEMENTO PUBLICITY PHOTOS (3)- Cristine Reyes and Albert Sil copy copy

SA bagong pelikulang Elemento ng Viva Films mula sa direksiyon ni Mark Meily, kinumusta ang bidang si Cristine Reyes tungkol sa kontrobersiyang nangyari sa kanya sa seryeng Tubig at Langis na umeere ngayon sa ABS-CBN.

“Okay ba ako? Siguro, I’m blessed to have the people around me to support me and made me realize that this business is really sometimes cruel, but then, I have to be surrounded with people that truly cares for me,” sagot ni Cristine.

Ano ang natutuhan niya sa nangyari?

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

“Sometimes it is better to be quiet,” matipid na sagot ng aktres.

Lagare si Cristine sa shooting ng Elemento nang mangyari ang bangayan nila ni Ms. Vivian Velez sa set ng Tubig at Langis kaya natanong din si Direk Mark kung ano naman ang karanasan niya sa aktres.

“Hindi ko siya kailangang i-defend, you can ask anyone on the set, kaya nga no’ng pumutok ang balita habang nagso-shooting kami, parang hindi ako makapaniwala. Honestly, iba kasi ‘yung pino-portray ng isang artista do’n sa Cristine Reyes na kasama namin sa shooting, baka tambal o doppelganger ‘yun, ha-ha-ha. Cristine is my second time around na makatrabaho,” sagot ni Direk Mark.

Samantala, hinalaw pala sa true-to-life story ang Elemento na sinulat ni Direk Mark base sa experience ng anak niya noong limang taong gulang pa lamang ito na nakakakita ng elemento sa eskuwelahan nito.

Mas kilala si Direk Mark sa paggawa ng drama at comedy at ito ang unang horror film niya.

“Sa bawat genre na ginagawa ng isang direktor, dapat meron mga ibang set technics para maging successful ang expectations. ‘Yung nature ko, hindi kasi ako masyadong seryosong tao, kaya nu’ng ginagawa namin itong Elemento, ‘yung mga eksenang nakakatakot, naging extra careful ako kasi baka hindi nakakatakot, baka nakakatawa, so ‘yun ‘yung mga binabantayan at marami kaming natutunan.

“Very simple lang ang Elemento, ang karakter ni Cristine at anak niyang si Albert, ‘yung challenge rito is maging horror movie siya na maiba sa typical horror movie na napapanood natin. Karamihan kasing napapanood kong horror movie, ang anggulo kasi is retribution. Kaya may nagmumulto, kaya may nanakot kasi may injustice na nangyari tulad ng may nagahasa, merong niloko, so parang paghihiganti lagi.

“So may mga bagay na nakakatakot na nangyayari sa atin hindi dahil may gustong gumanti sa atin, kundi nangyayari siya dahil nangyayari siya,” pahayag ni Direk Mark.

Challenge kay Direk Mark ang pagdidirek sa Elemento pero mas challenge sa Viva Films na agaran na itong ipapalabas sa Abril 6, Miyerkules. (Reggee Bonoan)