Regine and Mikael (2) copy

NAGPASALAMAT si Regine Velasquez sa mga sumusubaybay sa pinagbibidahang Poor Señorita at sa gabi-gabing pagti-trending ng rom-com series ng GMA-7.

Malaking katunayan na kinagat ng viewers ang rom-com series ang naglalabasan fan art na gawa mismo ng mga sumusubaybay nito. Madalas, si Regine lang ang bida sa fan art, nitong huli, meron na ring magkasama sila ni Mikael Daez.

Pati dialogue ni Regine ay ginagaya ng viewers gaya ng, “You’re fired” “TUBEGGGGGG!!!@ at iba pa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kinatutuwaan din ang tambalan nina Regine at Mikael Daez at tama ang sinabi ni Regine sa presscon ng Poor Señorita na may chemistry sila ni Mikael.

“Sa umpis pa lang ng taping nakita na ni Direk Dom (Zapata) na may chemistry kami, kailangan lang mailabas pa para mas matuwa ang viewers. Magugustuhan ng tao si Mikael dahil jugets (bagets), matangkad, guwapo at matipuno. I’m sure may kikiligin,” paniniyak ni Regine na nangyayari na nga. (Nitz Miralles)