Sa pagkakataong ito, may kikilalanin naman bilang Patatas Man.

Inaresto nitong Martes ng hapon ang isang lalaki matapos umanong magtangkang magnakaw ng isang kaing ng mga patatas mula sa isang vendor sa Binondo, Manila, ayon sa nahuling report.

Ayon sa report, kakasuhan ng theft si Ronald Briones, alyas “Patatas Man”, 22, ng 9th Street, Katuparan, Tondo, at sinasabing miyembro ng Commando Gang.

Sinabi ni Chief Insp. Ronald Andres, deputy station commander ng Manila Police District-Meisic Police Station (MPD-PS11), na nangyari ang pagnanakaw sa loob ng tindahan ni Joel Castro, 38, vendor, sa C.M. Recto Avenue malapit sa Carmen Street sa Binondo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Castro sa mga pulis na kausap niya ang ilang mamimili nang itakbo ni Briones ang isang kaing ng patatas na nagkakahalaga ng P700.

Ayon kay Castro, hinabol niya si Briones hanggang sa makita niyang nagpapatrulya sina PO1 Rhannie Nicdao at PO1 Emyrson Jacinto at magpasaklolo siya sa mga ito, hanggang sa naaresto ang suspek at nabawi rito ang mga patatas.

(Argyll Cyrus B. Geducos)