SEF copy

ISA sa Kapuso stars na gusto namin si Sef Cadayona. Hindi namin siya nakitaan ng paglaki ng ulo maging nang manalo siya ng Best Comedy Actor sa PMPC Star Awards two years ago.

Kaya nang palitan si Sef bilang endorser ng isang brand ng ice cream, sigurado kaming tanggap agad niya iyon.

Ayon na rin kay Sef, wala siyang dapat ikasama ng loob dahil more than seven years na siyang naging endorser ng naturang produkto at alam niyang sooner or later ay papalitan din siya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Labis-labis ang pasasalamat ni Sef sa naturang commercial dahil doon siya unang nakilala at naging daan din ng pagpasok niya sa showbiz.

“Two thousand nine (2009) pa ako riyan at naging series pa nga ang “20 pesos” commercial ad na ‘yan. Hindi biro ang seven years na nasa kanila ako at totoo namang tumatak sa isipan ng lahat ang ’20 pesos’ series na ‘yan,” sey ni Sef.

Simula nang gawin niya ang naturang commercial, kahit papaano ay may mga naipundar na siya. Nakabili na siya ng sariling bahay para sa mahal niyang pamilya at nakapag-ipon na rin naman.

“Katas ng ice cream ang ipinambili ko ng bahay namin,” napatawang banggit ng Kapuso star.

Samantala, after ng kanyang Juan Tamad serye ay bida naman si Sef sa isang episode ng Dear Uge. (JIMI ESCALA)