IBINAHAGI ni Kourtney Kardashian ang isang Snapchat video nila ng dating nobyo na si Scott Disick at nagbirong nagkabalikan na uli sila.

“Look who it is, baby daddy Disick at the studio. I run into him today,” pahayag ng Keeping Up With the Kardashians star, 36, sa unang video.

Muling nagbahagi ang reality personality ng video na mapapanood ang dating magkasintahan na magkatabing nakaupo.

“Hey, so we wanted you guys to hear it first … we are getting back together,” pahayag ni Disick, 32, sa camera bago binigyan ng tatlong magkakasunod na halik sa pisngi ang ina ng kanyang tatlong anak. Sumagot naman si Kourtney ng “No!” habang tawa nang tawa.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang dating magkasintahan ay nabiyayaan ng tatlong anak: sina Mason, 6, Penelope, 3 at Reign, 15 months. Bagamat hindi nakita si Disick sa pagdiriwang ng Kardashian-Jenner clan noong Easter Sunday kamakailan, maayos relasyon nila ng reality star.

Nitong Marso 17, nagbahagi si Kardashian ng Snapchats habang nakasakay sa isang mamahaling sasakyan at ipinaliwanag ang estado ng kanyang buhay pag-ibig. “By the way, everyone relax,” aniya sa video. “We have three kids together. We spend time together.”

Bagamat magkatuwang sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, naka-move on na si Disick sa kanilang relasyon at may bago na itong nobya, kinumpirma ng source sa Us Weekly nitong unang bahagi ng buwan. Girlfriend niya ngayon ang modelong si Christine Burke, 20, na kamukha ng half-sister ng mga Kardashian na si Kendall Jenner. Sila ay namataan habang naghahapunan sa Nobu Malibu, at magkasamang nagbakasyon sa Joe Francis’ home Casa Aramara sa Punta Mita, Mexico. (US Weekly)