Mabilis na kumalat ang esklusibong larawan nina Senador Grace Poe at Senador Bongbong Marcos na nagkita sa backstage ng proclamation rally ni Manila Mayor Erap Estrada.

Kitang-kita na mahigpit ang yakap ng dalawa na naging dahilan kaya’t nagsipaglabasan ang balitang inilalaglag na ni Poe si Senador Chiz Escudero upang magkaroon ng bagong alyansa kay Marcos.

Si Poe lamang ang inendorso ni Estrada at hindi kasama ang running mate nito na si Escudero.

Sa halip ay kamay ni Marcos ang itinaas ni Erap.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Subalit pinabulaanan ng kampo ni Poe na inilaglag na ng senadora ang kanyang katambal sa May 9 elections.

“The relationship of Sen. Poe and Sen. Chiz remains strong and steadfast. They will finish shoulder-to-shoulder, side-by-side. Those behind this intrigue are out to create a rift between the two senators, but they will not succeed,” ayon sa tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Iniwasan nina Poe at Marcos na magkasabay sa entablado ngunit hindi napigilan ng kanilang security ang pagkuha ng litrato ng isang kasamahan sa media mula sa Interaksiyon.

Agad itinanggi ni Poe ang naturang espekulasyon at sinabing iniintriga lamang sila ng kanilang mga kalaban upang mapagkalamat ang magandang samahan nila ni Escudero. (Beth Camia)