PIA AT DR. MIKE copy

HULA ng lahat, boyfriend na ni Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ang New York based physician na si Mikhail Varshavski o Dr. Mike na tinawag na Sexiest Doctor Alive ng People magazine noong 2015.

Sa panayam ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News kay Pia, inamin niyang enjoy siyang kasa-kasama si Dr. Mike at nasa dating stage sila.

“I said before, Miss Universe is still my priority,” pasubali ni Pia. “I’ve been working to get this title for a very long time and I love my job, I really do. I’m very passionate about it and it’s gonna stay that way for a long time.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya sa pamamalagi ni Pia sa New York ay si Dr. Mike ang nakakasama niya.

“I mean, kasi bago pa lang ako sa New York, mga three months pa lang naman ako do’n, maganda rin ‘yung mayroon kang nakikilala, di ba?

“He’s been very respectful in knowing that my priority is Miss Universe and I appreciate that very much. He knows that this is my life right now, and I have the organization behind me and Philippines behind me, and he respects that.”

Hirit naman ng mga nakarinig sa panayam ni Dyan kay Pia, baka may usapan sila ni Dr. Mike na hintayin siya pagkatapos ng reign niya bilang as Miss Universe.

Sabagay, kung nasa isang bansa ka at wala kang gaanong kakilala at heto naman ang isang taong laging nakaalalay sa iyo at sinasamahan ka sa mga panahong kailangan mo ng kausap, e, hindi nga malayong mapamahal kay Pia si Dr. Mike.

Sexy Doctor Alive lang naman ‘yan. (REGGEE BONOAN)