Kehlani copy

NITONG nakaraang Lunes ng gabi, ibinahagi ng R&B singer na si Kehlani ang isang larawan sa kanyang burado nang Instagram account, at isiniwalat na nagtangka siyang magpakamatay kamakailan at siya’y nakaligtas at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

“Today I wanted to leave this Earth,” pahayag ni Kehlani, kalakip ang larawan ng kanyang braso na may nakalapat na IV. “Being completely selfish for once. Never thought I’d get to such a low point.”

Ipinarating ni Kehlani na ang nagtangka siyang magpakamatay dahil sa katakut-takot na panghuhusga sa kanya sa online na niloko niya ang kanyang nobyo, ang Cleveland Cavaliers basketball player na si Kyrie Irving.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Mabilis ang naging reaksiyon ng mga tao. Naging tampulan ng tukso si Irving, na naiputan sa ulo at tinatawag na homewrecker si PartyNextDoor — ang tunay na pangalan ay Jahron Brathwaite.

Ngunit sa kanyang post habang nasa ospital, nilinaw ni Kehlani na hindi niya niloko si Irving dahil naghiwalay na sila bago pa man niya nakabalikan ang kanyang ex, si PartyNextDoor.

“No one was cheated on and I’m not a bad person,” pahayag ni Kehlani. “Everyone is hurt and everyone is in a place of misunderstanding.”

Sa isa pang pahayag, na binura na rin, ibinahagi rin ni Kehlani ang isang larawan nila ng PartyNextDoor habang nasa gilid ng kanyang kama.

“Thank you for saving my life,” pahayag ni Kehlani. Tuluyan nang binura ni Kehlani ang lahat ng social media account niya. (Yahoo News/Celebrity)