“BINGO, eh, di artista na siya, ‘yun naman talaga ang gusto niya noon pa, kiyeme-kiyemeng ayaw niya, kesyo nag-aaral pa siya, o asan siya ngayon?”

Ito ang diretsong sabi sa amin ng mga taong nakakakilala kay Jake Ejercito, ang ex-boyfriend ni Andi Eigenmann na kasama na pala ngayon sa kalyeserye ng AlDub sa Eat Bulaga.

“Aminin niya, ginamit niya si Andi para mapansin siya, though kilala naman na siya bilang anak ni Erap (Manila Mayor Joseph Estrada) dahil nasusulat naman siya dati at nasa London pa para mag-aral. Sabi niya noon, ayaw niya mag-artista kasi nag-aaral siya, okay lang siya sa politics soon, pero heto nasa showbiz niya. Siguro nu’ng kainitan nila ni Andi, hindi siya inalok ng ABS kaya nu’ng alukin siya ng Eat Bulaga, go agad siya, ha-ha-ha.”

Hindi kami makapag-react, Bossing DMB dahil hindi naman namin personal na kilala si Jake Ejercito at ni minsan ay hindi namin siya na-interview, kaya wala kaming ideya kung type nga ba talaga niyang mag-showbiz.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nagba-base lang kami sa mga nababasa namin noon na gusto niyang mag-aral at sundan ang yapak ng papa niya sa pulitika.

E, araw-araw naman ay nababago ang isip ng tao kaya baka ngayon, napag-isip-isip niya na gusto na niyang mag-artista at may nag-alok, e, bakit ba naman pakakawalan pa niya.

May itsura naman, puwedeng leading man, ‘yung nga lang kailangan niyang dumaan sa acting workshop para matutong umarte dahil hindi naman puwedeng kaguwapuhan lang ang paiiralin niya.

At puwede rin silang magtambal ni Andi, di ba, Bossing DMB?

(Puwedeng-puwede! –DMB) (Reggee Bonoan)