carlos-loyzaga copy copy

Isinusulong ni Pampanga Rep. Joseller Guiao ang pagkakaloob ng isang parangal o congressional honor para sa yumaong Carlos “Caloy” Loyzaga, itinuturing na isang alamat sa Philippine sports.

Naghain si Guiao, head coach din ng Rain or Shine sa pro league, ng House Resolution No. 2646 na may pamagat na “A Resolution giving recognition and appreciation to the contributions of the late Carlos ‘Caloy’ Loyzaga to Philippine basketball and expressing the most sincere and profound condolences of the House of Representatives to his family.”

Binanggit sa HR 2646 na si Loyzaga, tinaguriang “The Big Difference”, ay itinuturing bilang “the most accomplished Filipino Basketball player in the local and international arena”.

Usapang Negosyo

Kahit maagang naulila: Pinoy dishwasher, nagsumikap; isa nang restaurant owner

Sumakabilang-buhay ang pamosong Olympian nitong Enero 27, 2016.

Kinikilala bilang pinakadakilang Filipino basketball player ng lahat ng panahon, ang 6’4” na si Loyzaga ang mukha ng Philippine basketball sa international arena mula noong 1950s hanggang1960s.

Magpahanggang ngayon, si Loyzaga ang tanging Asian player ba napabilang sa Mythical Five sa International Basketball Federation FIBA-World Cup (1954).

Nakamit ng Pinoy ang bronze medal sa naturang liga, magpahanggang ngayon ang pinakamataas na tinapos ng Philippine team sa world championship.

“His death is a great loss not only to his family and friends, but also to the millions of basketball fans, young and old, who share his love and passion for the sport,” ayon kay Guiao. (Bert de Guzman)