Naniniwala si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) light heavyweight champion Jon “Bones” Jones na magtatagumpay siya sa kanilang salpukan ni Daniel Cormier sa UFC 197 sa darating na Abril 24 kahit kasalukuyan pa siyang nakakulong.

Nakapiit ngayon si Jones dahil sa paglabag sa kanyang probation nang hulihin siya ng awtoridad noong nakaraang linggo dahil sa kanyang paglahok sa drag racing sa New Mexico. Nauna naman siyang napatunayang nagkasala sa hit and run kaya siya tinanggalan ng korona ni UFC President Dana White.

Sa ulat ng TMZ Sports, sinabi ng UFC superstar na gagawin niya ang lahat ng legal na paraan upang makalabas siya sa piitan upang maipagpatuloy niya kaagad ang training sa nalalapit na laban kay Cormier.

Sa katunayan, nag-tweet si Jones noong Martes habang nakakulong.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Today I had some of the best workouts I’ve had all camp. I’ve trained too hard and come too far to let anything get to me at this point,” ani Jones sa kanyang Twitter account.

Sa ngayon, nangangalap pa ang UFC ng mga impormasyon pero tila wala pa sa plano ni White na kanselahin ang Cormier-Jones rematch sa UFC 197. (Gilbert Espeña)